Thursday, November 15, 2007

SeRyOs0ng PrObLeMa Ko..

Share ko lang tong nasa isip at puso ko ngayon..because I'm still bothered with the feeling that I had before graduation..

What I need to do vs. What I want to do!

Ano ang gusto kong gawin? Gusto kong maging full-time volunteer ng GK. Naramdaman ko na ito before pa ko grumaduate. Ang totoo ito ung super iniisip ko noon pa.feeling ko kasi ito ung calling ko..

Di ko naman magawa dahil sa situation ng family ko ngayon. Currently kasi, ako ang breadwinner ng family ngayon. Nasamin pa ang buong pamilya ng ate ko na wala namang mga trabaho at Kailangan ko pang pag-aralin ung kapatid ko. Aside from that, sakin inihabilin ng tatay ko ang nanay ko before siya mamatay. Super nag-iba kasi anhg financial status namin nung nawala si tatay. Di ko alam ang nangyari pero parang ako ang naging tagasalba ngayon. Sige, tanggap ko na yun...so i decided

Ang problem is..

Di ko maramdaman na nasa puso ko ung ginagawa ko sa office. Ginagawa ko ung mga project for the sake na..dahil binabayaran ako para gawin un? pero kung tatanungin mo ko kung masaya ba ko sa ginagawa ko, ang answer ko is DEFINITELY NOT. ewan ko..di talaga ko masaya..lahat ng hiniling ko na atmosphere ng work environment ko binigay naman ni God..masayang ka-officemates, mga taong nakakasabayan ko, magandang salary..pero di ko lang talaga maramdaman na andun ung puso ko..

ayoko kasing nasa loob lang ako ng isang building..or ng isang room..na ang kaharap ko lang ay monitor..feeling ko hindi ako ito..mas gusto ko ung madaming nakikitang tao, nakikipag-usap sa kanila, nakikipag-halakhakan, nakikipaglambingan at kulitan..

pero pag ginawa ko ang gusto ko, madaming kailangang i-sacrifice.. ang luho ko sa mundo, ang career path ko, at ang mga pangarap ng nanay ko para sakin..di ko na tuloy alam ang gagawin..kahit anong piliin ko may masasaktan..hay ang sakit sa ulo..naiiyak ako..T_T

No comments: