Day 1: Series of Unfortunate Events
Ayun, super daming oppressions ang nangyari sa first day ng ILC. From airport to the venue to everything!
Una sa airport. Late kami nakadating sa airport. Nung dumating kami, 2 passengers n lang ang pwede nilang isakay..e anim kaya kami! Since na-assign ako as delegation head muna (dahil gabi pa ang dating nun ng mag-asawang cute), kailangan kong mauna. Si ate jhong ang nakasama ko. Feeling ko di normal n process ang pinagdaanan namin. Kasi namalayan ko na lang nasa airplane na ko at dala ko p rin ung malaki kong bag. Hehe. Ayun, pareho kaming first-timer ni ate jhong sa pagsakay ng plane. First time din namin sa Cebu. Pareho kaming di magaling sa daan. kaya.. GUDLAK talaga samin! Lumagpas sa ulo ko ang pressure pero smile pa rin. Hihi.
Pagdating namin sa Cebu ay para kaming nag-amazing race ni ate jhong. Dami kasing kailangang asikasuhin - registration, kits, workshops, tshirt, etc. Tapos halos iba-iba pa ung venue. Buti n lang nakasama namin si Tito Edmar (na meron ding di magandang kapalaran pagpunta sa Cebu) at ayun kahit papano may karamay kami sa kapraningan namin. Puro taxi ung means of transpo. Na-shock ako sa gastos! Haha! At nashock din ako sa mga tao! Muntik na akong ma-trauma sa Visayan dialect. Buti na lang hindi natuloy. Hehehe.
At nung malapit ng matapos ang araw, ako ang pumila for the food. I got a time para mapag-isa dahil nagpaiwan muna si Tito sa hotel at naupo naman somewhere si ate jhong. Puro slow songs ang tugtog habang nakapila ako. Dun nagsimulang lumabas ang luha sa mga mata ko...at di ko siya napigilan!!! lalo na nung ang kanta is "Still" at "To the ends of the Earth". Theme song ng istorya ko sa Cebu! Hay ang hirap at sobrang challenging nung mga nangyari pero kinaya.
That's the time that I realized na gumawa na naman si Lord ng way para mag-go beyond my borders na naman ako. To get out of my comfort zone again. Nasanay kasi ako na merong "Mommy" and "Daddy" around. Pero that time wala. Sobrang na-feel ko lang ung comfort ni God that time kaya siguro naiyak ako. That I don't have to worry kahit may bago siyang ipagawa sakin. He's a Promise Keeper. He will always be there no matter what. :)
Day 2: Pagluhod ng Bonggang-Bongga!
We attended "Art of Fishing" Workshop in the morning. Tapos nung nagtext si Ate April na malapit ng magsimula ung sa Creative Competition sugod kami sa SM Foodcourt kasi dun ung alam naming venue for the competition. Pagdating namin dun, toinks! nasa Parkmall pala si Ate April. Di tuloy namin xa napanood. Hihi.
Nung afternoon naman ay sa Taboan Market kami nagpunta. "Art of Danggit Fishing at Taboan Market"..joke! Hihihi. Dun sila bumili ng bonggang bongga ng mga danggit at kung ano-ano pa. Kami naman ni Dadi Pao ay sa SM bumili ng dried mangoes.
Eto ang pinakatumatak sa isip ko nung 2nd day ng ILC. Ang pagtanggap ng hamon sa pagluhod. Siyempre tinanggap namin ang hamon. Lahat para kay Lord! Pero mukhang nagbiro ang tadhana dahil mula nung lumuhod kami ay diretso na pala un sa misa. Habang nakaluhod ay nakatingin ako sa screen at pinapanood ko ang paglalakad nung pari papuntang stage. 4sec/step dahil high-end mass daw un. Akala ko nasa stage si Father. Ayun pala nasa dulo nung parking lot papunta sa stage ang lakad nya. Oh Lord! Ibig sabihin matagal na luhuran ito! Di ko alam kung ilang minuto kaming nakaluhod sa semento pero alam ko matagal-tagal din un kaya pagtayo namin, hanaku! Hindi ayos ang aming buto-buto! Haha! Ung sakin antagal bago nwala ung panginginig ng tuhod at binti ko. Hehehe.
Pero ok lang. I had a great night. Less pressure, new challenge, new inspiring talk!
Day 3: Iba ka talaga Lord!
Ipinakita samin ni Lord na kahit weather kaya nyang kontrolin! Maulap nung umaga kaya nakapag-morning worship kami sa parking lot. Tapos nung misa, umulan ng todo during Homily. At right after homily (as in right after!) biglang tumigil ang ulan. Galing talaga! Parang scripted ang lahat! Siguro para wala daw makatulog during homily. Hehehe.
Hay...kakaibang experience. Daming bagong challenge. How can we move forward nga naman kung di magi-step forward? Kung di tayo aalis sa comfort zone natin?
Move Forward in Christ!!!
Next year sa Davao naman! yihiii!